Wednesday, February 20, 2013

PONEMA - VICTOR JOHN CORUNO



Title of paper: PONEMA
Name:              Victor John Coruno
School:             Partido State University            
Department:    College of Education
Email:               vcoruno@gmail.com / victorjohncoruno@yahoo.com



How To Prepare A Handout

http://jmonet.free.fr/Site/ponema.GIF


Ponema sa Filipino

       I.            Introduksyon

·         Ang pag-aaral ng mahalagang yunit ng tunog o ponema ay binubuo ng mga segmental at suprasegmental.
·         Segmental ang mga tunay na tunog at ang bawat tunog ay kinakatawan ng isang titik sa ating alpabeto.
·         Ang suprasegmental ay pag-aaral ng diin (stress), pagtaas-pagbaba ng tinig (tune o pitch), paghaba (lenghtening) at hinto (juncture).

    II.            Ponemang Segmental

·         Ang Filipino ay may 21 ponemang segmental – 16 sa mga ito ay katinig at lima naman ang patinig.

·         Mga Katinig - /b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y, ?/

·         Sa ating palabaybayan ang /?/ ay hindi binigyan ng katumbas na titik.  Sa halip, isinama ito sa palatuldikan at tinumbasan ng tuldik na paiwa /’/ sa dahilang ito’y hindi normal na tulad ng ibang ponema.

·         Mahalaga ang /?/ o tuldik na paiwa /’/ sapagkat nakapagpapaiba ito ng kahulugan ng salita kapag inilagay sa huling pantig ng salitang nagtatapos sa patinig.  Ang tawag sa /?/ ay glotal o impit na tunog.

·         Ang impit na tunog o glotal ay itinuturing na isang ponemang katinig sa Filipino bagama’t hindi ito ipinakikita sa ortograpiya ng ating wika.  Mahalaga ito sa isang salita sapagkat nakapagbabago ito ng kahulugan ng dalawang salita na pareho ang baybay.

·         Hal:  bata/h/=robe, bata/’/=child

·         Mga Patinig - /i, e, a, o, u/

·         Itinuturing ang mga patinig na siyang pinakatampok o pinakaprominenteng bahagi ng pantig.  Walang pantig sa Filipino na walang patinig.

·         Halimbawa:
                        ba – hay,          ba – bae,   u – lo,  di - la

·         May kani-kaniyang tiyak na dami o bilang ng makabuluhang tunog ang bawat wika.  Makabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba ang kahulugan nito sa sandaling alisin o palitan ito.  Halimbawa’y mag-iiba ang kahulugan ng salitang baso kapag inalis ang /s/ at ito’y nagiging bao.  Kapag pinalitan naman ang /s/ ng /l/, ito’y nagiging balo.  Samakatwid, ang /s/ ay makabuluhang tunog sa Filipino at tinatawag itong ponemang segmental o ponema.

                                i.            Ang Diin, bilang ponemang suprasegmental,
-              ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salitang binibigkas. Halimbawa: sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling pantig na /may/.

-              ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog, ang pagbabago ng diin ay nakapagbabago sa kahulugan nito. Halimbawa:
1.      Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
2.      Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya masasabing     /laMANG/siya.

                              ii.            Tono o intonasyon
-              – pagtaas at pagbaba ng tinig na iniuukol sa pagbigkas ng pantig ng isang salita, parirala o pangungusap upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa.
- Parang musika ang pagsasalita nang may tono – may bahaging mababa, katamtaman at mataas.
- Maaaring makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapagbigay ng kahulugan o makapagpahina ng usapan ang pagbabago ng tono/tinig.

Halimbawa:       3
Pahayag:   2      ha     2
                                                                  ka         pon

                                                                                   4          
Patanong:            3         pon
                                                                     2      ha
                                                                    ka           

Antas ng tono:
4= pinakamataas
3= mataas
2= katamtaman
1        = mababa

                            iii.            Hinto o Antala
-               saglit na pagtigil ng ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig nating ipahayag sa ating kausap.
-              Ang hinto ay paghahati ng salita na gumagamit ng sumusunod na mga pananda.
1.      Panloob
a.       Maikling hinto: /I/=, (kuwit),  /+/= isang krus na pananda
b.      Mahabang hinto:  ;=tuldok-kuwit, :=tutuldok, _______=isang mahabang guhit, //=dalawang guhit pahilis, >=palaso, -=gitling, …=tulduk-tuldok.

Halimbawa:

1.      Padre, Martin, ang tatay ko. (Ipinakikilala mo ang iyong ama sa isang pari at sa kaibigan mo.)
2.      Hindi, si Cora ang may sala. (ipinaalam na si Cora ang may kasalanan.
3.      Magalis (puno ng galis)
                       mag-alis (maghubad, magtanggal at iba pa)

                            iv.            Haba
-               paghaba o pag-ikli ng bigkas ng nagsasalita sa patinig ng isang pantig sa salita.  Ginagamit ang ganitong notasyon /./ at /:/ na siyang nagsasaad ng kahulugan ng salita
1.  Likas na haba
Halimbawa:
a.       /asoh/ - usok
                        /a:soh/ - isang uri ng hayop
b.      /pitoh/ - bilang na 7
                             /pi:toh/ - silbato
2.      Panumbas na haba
                        a.  /’aywan/ - /e.wan/   c. /tayo nah/- /te.nah/
                        b.  /taingah/ - /te.nga/  d.  /kaunti/ - /kon.ti/
3. Pinagsama na haba
                        a.  magsasaka = /magsasa : ka/   = magbubukid
                           magsasaka = /magsa . sa : ka/ = magtatanim
                        b.  Mananahi = /manana : hi/ = modista
                            mananahi = /mana . na : hi/ = magtatabas at   
                                                    bubuo ng kasuotan.
Quotes: 
              
                                 "Ang pagmamahal para sa isang karaniwang wika
                          ay ang puso ng nagmamahal para sa kapaligiran ng bansa..."





Reference:
·         Makabagong Balarila sa Filipino 2003 Edition
·         Sining ng Mabisang Komunikasyon
·         Pilipino sa Nagbabagong Panahon
·         Sariling Panitikan
·         Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina sa Filipino
·         http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_kahulugan_ng_ponolohiya
·         http://tl.wikibooks.org/wiki/Tagalog/Ponolohiya
 -    http://jmonet.free.fr/Site/ponema.GIF


 

9 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. 1 - 4
    2 - 4
    3 - 1 ( you forget to place the author and the date of the quote )
    4 - 4 ( though you only used 1 picture I think it is considerably
    related to your topic and struck the reader.

    5 - 3 ( your design is quite simple )
    _____
    16 = 90

    ReplyDelete
  3. 1 - 4
    2 - 4
    3 - 1 ( you forgot to include the date and the author of the
    quote )
    4 - 4 ( the picture is related to the topic that you have chosen)

    5 - 3 ( although there are no colors or template used,still it is attractive)
    _____
    16 = 90

    ReplyDelete
  4. Rating:
    1-4
    2-4
    3-2 ( you forgot to place the author the date and the quotes)
    4-3
    5-3
    ___
    16-90

    ReplyDelete
  5. 1 - 4
    2 - 4
    3 - 1 ( you forgot to include the date and the author of the
    quote )
    4 - 4
    5 - 3
    _____
    16 = 90

    ReplyDelete
  6. 1 - 4
    2 - 4
    3 - 3
    4 - 3
    5 - 3
    ____
    17 - 93

    ReplyDelete
  7. 1-4
    2-4
    3-3
    4-4
    5-3
    total-18-96-1.25
    congrats po.

    ReplyDelete
  8. .here,s my rating...
    1 - 4
    2 - 4
    3 - 1
    4 - 4
    5 - 3
    16 = 90

    ReplyDelete
  9. 1. Title section - 4
    2. Body - 4
    3. Quotes - 3
    4. Pictures/figures/ tables - 3
    5.Attractiveness - 3
    TOTAL: 17-1.5=93
    Nice Presentation Victor!


    ReplyDelete